^

Police Metro

Danish national natagpuang patay

Randy Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bangkay na nang ma­­­tagpuan ang isang 49-anyos na Da­nish natio­nal sa sofa ng kanyang inu­­upahang bahay ka­ha­pon ng umaga sa Olon­ga­po City.

Ang biktima ay naki­lalang si Soren An­dreasen, na nangungu­pahan sa #5 Gabaya St. Barangay Bar­retto, ng lungsod.

Hubad ang kalahating katawan at naka-underwear lang na nakahandusay sa kanyang sofa sa inuupahan nitong bahay.

Ayon kay Eduardo Acosino, caretaker ng pa­upahang bahay madalas umanong humihingi ng tu­long sa kanya ang biktima dahil sa pananakit ng kan­yang sikmura, subalit ayaw naman nitong mag­padala sa pagamutan sa kadahilanang kapos umano ito sa pera.  

Sinabi naman ng isang kasambahay nito na may labas-pasok umanong babae sa bahay ng biktima noong gabi at nag-aaway bago natagpuang patay ito kahapon.

vuukle comment

AYON

BANGKAY

EDUARDO ACOSINO

GABAYA ST. BARANGAY BAR

HUBAD

OLON

SHY

SINABI

SOREN AN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with