^

Police Metro

Koko: Ipakita ninyo ang source code ng PCOS!

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinamon ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang  Commission on Elections (Comelec) and Smartmatic, International na ipakita sa mga partidong political at iba pang sektor  ang ‘source code’ na gagamitin sa precinct count optical scan (PCOS) machines para sa nalalapit na May 2013 elections.

“Isa itong seryosong bagay,” paliwanag ni Pimentel hinggil sa source code na kailangang ipakita sa publiko batay sa RA 9369 o Election Automation Law.

“Isang isyu ito na magpapakita sa kredibilidad ng halalang ito kaya nga nakasaad na dapat masiyasat ito ng mga partidong political. Kaya hinahamon ko ang Comelec at Smartmatic na ipakita ninyo sa amin ang source code.”

Inilabas ni Pimentel, tumatakbo para sa bagong termino sa Senado, ang hamon sa pinag-isang pagdinig ng Congressional Oversight Committee on Automated Election System na pinamumunuan niya at ng Senate Commitee Electoral Reforms & People’s Participation sa ilalim ng reeleksiyonista ring si Sen. Alan Peter Cayetano.

Idiniin rin ni Pimentel ang katotohanan na ang kredibilidad ng halalan ay ‘bihag’ o naiipit sa demandahan ng Dominion Vo­ting Systems Incorporated at Smartmatic sa United States na nakakaapekto sa paglalabas ng source code para sa halalan sa Mayo.

Ang source code ay nakatakdang instruksiyon na nababasa ng tao na naglilinaw kung ano ang gagawin ng PCOS machine. Hawak ito ngayon ng pandaigdig na kompanyang nagsesertipika na SLI Global Solutions na tutugon kung ano ang iaatas ng korte sa demandahan ng Dominion at Smartmatic.

Aminado si Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr. na nakikipagnegosasyon sila sa Dominion at tiwalang makukuha ang source code. Ngunit kahit wala ito, tuloy pa rin ang halalan dahil meron namang ‘binary code’ ang Comelec.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

AUTOMATED ELECTION SYSTEM

CODE

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

DOMINION VO

ELECTION AUTOMATION LAW

SMARTMATIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with