^

Police Metro

Truck helper tigok sa maglive-in

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tigok ang isang truck helper makaraang pagtulungan na saksakin ng magkalive-in partner sa Tondo, Maynila, kahapon  ng madaling-araw.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa  Gat Andres Bonifacio Memo­rial Medical Center ang biktimang si Justine Mangalonzo, residente ng #363 Victor Lopez com­pound, C-2 Capulong St.,  Tondo.

Sa ulat ni  SPO2 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:20 ng madaling araw nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng C-2 Capulong bridge sa Capulong Highway, Brgy. 93 Zone 8, Tondo.

Nakatakas naman ang mga suspek na kinilala lamang sa alyas na Jose at live-in partner na si alyas Negra, kapwa residente sa ilalim ng tulay ng Raxa­bago St., Tondo.

Nag-away umano ang biktima at si Jose at sa gitna ng  komprontasyon  ay naghamong suntukan si Jose kaya umuwi ng bahay ang biktima at nagbitbit ng armas na kahoy.

Pagbalik ay hinataw si Jose na tumama sa binti ni Negra at sa pagbangon nito hinawakan ang biktima at doon nagkaroon ng pagkakataon si Jose upang undayan ng sunod-sunod na saksak ang biktima.

vuukle comment

CAPULONG HIGHWAY

CAPULONG ST.

GAT ANDRES BONIFACIO MEMO

JUSTINE MANGALONZO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MEDICAL CENTER

MILBERT BALINGGAN

NEGRA

VICTOR LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with