^

Police Metro

Malacañang problemado kung papaano maiiwasan ang muling pagdanak ng dugo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag ng Malacañang na kanilang pinoproblema kung paano maiiwasan ang muling pagdanak ng dugo sa Sabah sa sandaling salakaying muli ng mga Malaysian forces ang lugar na inakupa ni Sultan Jamalul Kiram III.

Ayon kay Presidential Com­munications Secretary Ricky Carandang, humahanap pa sila ng paraan upang hindi na maulit ang pagkamatay ng mga supporters ng mga Kiram sa Sabah.

Maliwanag aniya na desi­dido talaga ang mga Malaysians na ipagpatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga Kiram na nagnanais mabawi ang Sabah.

Sinabi ni Carandang na sa ngayon ay tahimik siyang nakikiusap na maiwasan ang muling pagdanak ng dugo.

Mistula ring sinisi ni Carandang ang mga Kiram na nagmatigas na daanin sa ibang paraan ang pagbawi sa Sabah.

Samantala, patuloy ang isi­nasagawang pagpapatrulya ng Philippine Navy sa hangganan ng teritoryo ng Pilipinas at Ma­laysia upang mapigilan na magkaroon ng spillover at lumala pa ang tensyon na nilikha ng standoff sa isyu ng pagbawi sa Sabah ng grupo ni Sultan Jamalul Kiram.

Ito ang inihayag kahapon ni Department of National Defense Spokesman Dr. Reuben Peter Paul Galvez sa kabila ng inianunsyo ng Malaysia na tapos na ang standoff.

Ayon kay Galvez, kaila­ngan ang paghihigpit nang pagpa­patrulya sa hangganan ng Pilipinas at ng Sabah upang hindi na ito makadagdag pa sa tensyon gayundin upang pigilan ang mga sympathizers at pamilya nina Sultan Kiram na magtungo doon.

Nabatid na anim na barko ang ginagamit ng Phil Navy sa pagmomonitor at pagpapat­rulya sa lugar katuwang ang isang Islander aircraft ng hukbong dagat. – Malou Escudero, Joy Cantos –

 

AYON

CARANDANG

DR. REUBEN PETER PAUL GALVEZ

JOY CANTOS

KIRAM

MALOU ESCUDERO

SABAH

SULTAN JAMALUL KIRAM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with