^

Police Metro

Misis, 5 anak hinostage ng mister

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umano naka­yanan ng isang 38-anyos na mister ang ginagawang panglalait at pagmamaliit sa kanya ng biyenan kung kaya’t nagawa nitong i-hostage ang misis at lima nilang anak kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Ang suspek na nadakip ng pulisya ay nakila­lang si David Collins Bell “alyas Tisoy”, 38-anyos, residente ng Pascual St., Barangay San Agustin ng naturang  lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling-araw ay lasing na umuwi ang suspek sa kanilang bahay at dito ay agad na sinaktan ang misis nito na si Mary Jane Dela Peña, 46 at pagkatapos ay hinostage kasama ang limang anak nito na may mga edad na 14, 12,  9, 7 at 5-anyos.

Nagbanta ang suspek na  pasasabugin ang bahay  nito sa pamamagitan ng pagsindi ng LPG kaya’t tumawag ng mga pulis ang mga kapitbahay.

Nang respondehan  ng mga pulis ay nakakuha ito ng pagkakataon ang mga pulis na mabaril ng de-kuryenteng baril ang suspek at naagaw ang LPG tank na balak nitong pasa­bugin.

vuukle comment

BATAY

DAVID COLLINS BELL

MALABON CITY

MARY JANE DELA PE

NAGBANTA

PASCUAL ST.

SAN AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with