^

Police Metro

Opisyal ng MTRCB hinoldap ng 4 na minor

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinoldap ng apat na kabataan ang isang Executive Assistant ng Movies Television Radio Classification Board (MTRCB) at ang kanyang mister habang nag­lalakad pauwi sa kanilang tahanan sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktimang si Hazel Valencia, 32, Executive Assistant ng MTRCB at residente ng 128 P. Manahan St. ng naturang lungsod ay nagtungo at nagreklamo sa Pasay City Police dahil sa panghoholdap sa kanila ng apat na minor-de-edad.

Sa salaysay ng bikti­ma, naglalakad sila ng kanyang mister papauwi dakong alas-10:00 ng gabi nang harangin at palibu­tan ng apat na binatilyo na armado ng patalim at sapilitang tinangay ang kanyang bag.

Hindi na nagtangka pang lumaban ang mag-asawa sa mga kabataang holdaper dahil na rin sa takot na baka patayin sila.

Kaugnay nito ay ipi­nag-utos naman ni Sr. Supt. Rodolfo Llorca, hepe ng Pasay police sa kanyang mga tauhan ang paggalugad sa naturang lugar upang madakip ng mga kabataang holdaper.

 

vuukle comment

EXECUTIVE ASSISTANT

HAZEL VALENCIA

HINOLDAP

MANAHAN ST.

MOVIES TELEVISION RADIO CLASSIFICATION BOARD

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

RODOLFO LLORCA

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with