^

Police Metro

Walang ka-date sa V-Day nagtangkang tumalon sa tore

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang pagkabigo ng isang 19-anyos na binata na magkaroon ng ka-date sa Valentine’s Day ang sanhi ng tangka nitong pagtalon sa inakyat na 40 metrong taas ng cellsite ng isang telecommunications company sa Brgy. Cubay, Jaro District, Iloilo City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:00 ng gabi ay  umakyat sa mataas na cellsite ng Globe Telecoms ang binata na kinilalang si Raffy Coronado, residente ng nasabing lugar.

Lumikha ito ng kaguluhan sa Iloilo City at inabot ng hanggang ala-una ng madaling-araw nitong Huwebes bago napahinunod ang suspek na bumaba sa tore ng naturang cellsite ng kanyang ina na sinundo ng mga pulis.

Sa pahayag naman ng mga kasamahang trisikad driver ni Coronado, desperado umano ang binata  dahilan wala itong ka-date sa Araw ng mga Puso at bukod dito ay nagtatampo rin umano ito sa kaniyang ina dahil sa hindi siya binigyan ng pera.

Nabatid na uminom muna ng ilang lagok ng alak ang suspek bago inakyat ang tore ng cellsite .

Ang binata ay naaresto naman ng mga otoridad dahilan sa nilikha nitong alarm and scandal.

vuukle comment

ARAW

BATAY

BRGY

CUBAY

GLOBE TELECOMS

HUWEBES

ILOILO CITY

JARO DISTRICT

LUMIKHA

RAFFY CORONADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with