^

Police Metro

Inuman nauwi sa pikunan; 1 dedo, 1 sugatan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang nasawi habang sugatan naman ang kanyang kaibigan nang mauwi sa gulo at hindi pagkakaunawaan ang masaya nilang pag-iinuman sa Cainta, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Cainta Municipal Hospital ang biktimang si alyas ‘Don’ habang sugatan at nilalapatan pa ng lunas sa East Avenue Medical Center ang biktimang si alyas ‘Leo,’ kapwa residente ng Brgy. San Juan, Cainta.

Sa ulat, bago naganap ang krimen, dakong alas-10:00 ng gabi sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Brgy. San Juan ay masaya umano nag-iinuman ang mga biktima at suspek nang bigla na lang nagkaroon ng mainitang pagtatalo.

Nauwi sa suntukan ang pagtatalo hanggang sa mahulog ang dalawa sa hagdanan, sanhi upang kapwa sila magtamo ng matinding sugat.

Mabilis silang isinugod ng mga kaanak sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay si alyas Don.

vuukle comment

RIZAL

CAINTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with