^

Police Metro

ACT Agri-Kaagapay at Ricky Reyes, kapit-bisig sa pagtulong sa mahihirap

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inilunsad ng kilalang Filipino hair dresser na si Ricky Reyes at Act Agri-Kaagapay organization ang “Isang Gunting, Isang Suklay” livelihood project upang matulungan ang daan-daang kababaihan at mga indibidwal na walang hanapbuhay, sa layuning maiangat ang kanilang buhay, sa pamamagitan nang pagdaraos ng libreng hair-cutting seminar.

Pinasalamatan ni Reyes si Act Agri-Kaagapay founder at president Virginia Ledesma Rodriguez sa pagsuporta nito sa maraming livelihood projects na nakatutulong sa maraming mahihirap na pamilya, partikular na sa maliliit na magsasaka na kabilang sa indigenous peoples (IPs).

Ang Health Caravan ay pinasimulan ni Reyes, sa tulong ng pangasiwaan ng SM SouthMall at Act Agri-Kaagapay bilang bahagi ng kanilang joint effort na makapagkaloob ng hanapbuhay sa libu-libong pamilyang Pinoy, sa pamamagitan ng iba’t ibang livelihood programs at upang matiyak na mabibigyan sila ng mas magandang buhay.

Nakakumpleto ng seminar ay bibigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa mga popular na salon sa bansa at maaaring maiendorso sa ibang beauty shops bilang hair dressers at beauticians.

Bukod sa hair cutting seminars, kasama rin sa Health Caravan ang pamamahagi ng mga medisina at bitamina; training para sa barangay health workers sa emergency preparedness; blood typing; blood sugar checks; feeding programs; at iba pa.

Ayon kay Ms. Rodriguez, makikilahok rin ang China Bank sa naturang aktibidad sa pamamagitan nang pag-aalok ng specialized Insurance Program na idinisenyo para sa beauty practitio­ners, salon owners, salon employees, at makeup artists. Maaaring makita ang iba pang aktibidad ng ACT Agri-Kaagapay sa Facebook page ni Rodriguez na Queen Vi Rodriguez.’

vuukle comment

RICKY REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with