^

Police Metro

Bike rider dedo sa kotse

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang isang bike rider makaraang salpukin ng isang kotse sa Pasay City, kahapon ng mada­ling araw.

Ang biktima ay hindi na umabot ng buhay sa  Pasay City General Hospital dahil sa tinamong pinsala sa katawan ay kinilalang si Delfin Arellano, nasa hustong gulang.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang nakabanggang driver sa biktima na si Oliver Reyes Agbayani, 35-anyos, may asawa, empleyado ng Philippine Amusement and Gaming Corp (PAGCOR) at residente ng  #2712 A. Capinpin St., Bangkal, Makati City.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Marianito Agas ng Traffic Enforcement Unit ng Pasay City Police, dakong alas:4:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Edsa malapit sa kanto ng FB Harrison St., Pasay City.

Ayon sa report, minamaneho ni Agbayani ang isang Honda Civic (TGZ-976) nang biglang sumulpot umano sa kanyang harapan ang biktima na nakabisikleta kaya nasalpok ito.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima at tumama ang kanyang  ulo sa sementadong kalsada na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Nahaharap ngayon si Agbayani sa kasong  Reckless Imprudence Resulting to Homicide sa Pasay City Prosecutor’s Office.

 

vuukle comment

AGBAYANI

CAPINPIN ST.

DELFIN ARELLANO

HARRISON ST.

HONDA CIVIC

MAKATI CITY

MARIANITO AGAS

OLIVER REYES AGBAYANI

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with