^

Police Metro

2 patay, 4 sugatan... House blessing niratrat, pinasabugan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippine s- Nabahiran ng dugo ang isinagawang house blessing nang ito ay paulanan ng  bala at hagisan pa ng granada ng tatlong lalaki na sakay ng tig-iisang motorsiklo na ikinasawi ng dalawang katao at pagkasugat ng 4 na iba pa naganap kamakalawa ng gabi sa Bocaue, Bulacan.

Ang mga biktima ay  kinilalang sina Mario Mendoza na binawian ng buhay sa Dr. Yanga Hospital at alyas Goymon na namatay noon din na pawang residente ng Brgy. Caingin, Bocaue ng lalawigan.

Kinilala naman ang mga nasugatang sina Valerio Nicolas, Raul Sa­monte, Alberto Alberto at Reynaldo de la Cruz.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi ay ka­ta­tapos lang ipa-house blessing ni Mendoza ang kanyang bahay na mata­tagpuan sa Depo St., Brgy. Caingin at kasunod noon ay nagkaroon ng inu­man at kainuman bilang bahagi ng kasiyahan.

Ilang sandali ay big­la na lamang sumulpot ang mga suspek na lulan ng tatlong motorsiklo at agad pinaulanan ng bala ang mga nag-iinuman sa compound ng bahay ni Mendoza at pagkatapos ay naghagis pa ng granada bago nagsitakas patungo sa direksyon ng Mac Arthur Highway.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo at sino ang mga suspek.

 

vuukle comment

ALBERTO ALBERTO

BOCAUE

BRGY

DEPO ST.

DR. YANGA HOSPITAL

MAC ARTHUR HIGHWAY

MARIO MENDOZA

MENDOZA

RAUL SA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with