^

Police Metro

3-Anyos utas, Lolo sugatan sa pamamaril

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang 3 anyos na batang lalaki matapos na tamaan ng ligaw na bala nang paputukan ang  kan­yang  lolo na sugatan sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang  suspek  kamakalawa ng gabi sa Port Area, Maynila.

Nabatid na dakong alas-7:00 ng umaga nang  matuklasan ng pamilya  ni Sidfred Bering ng Block 1 Aplaya, Baseco Compound, Port Area ang kan­yang sinapit mula sa pa­ma­­maril ng nakatakas na suspek.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rodel Benitez ng MPD homicide, alas-9:30 ng gabi noong Sabado na­ganap ang pamamaril ng  suspek sa lolo ng bata na si  Dominador Besco, 46.

Natutulog ang  maglolo nang biglang dumating ang  suspek at pagbabarilin  si Besco.

Bagaman sugatan, na­gawang makatakbo at makapagtago ni Besco na sinabayan na rin ng pagtakas ng suspek.

Agad na dinala ng kan­yang kaanak sa Orthopedic Hospital si Besco ha­bang naiwan naman sa bahay ang paslit.

Kahapon ng umaga  nadiskubreng bangkay na si Bering nang hindi na ito  humihinga at napansing puno ng dugo ang unan ng biktima na nag­tamo ng isang tama ng bala sa noo.

vuukle comment

APLAYA

BASECO COMPOUND

BESCO

DOMINADOR BESCO

ORTHOPEDIC HOSPITAL

PORT AREA

RODEL BENITEZ

SHY

SIDFRED BERING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with