^

Police Metro

2 Dalagita pinatay tadtad ngsaksak…

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tadtad ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan at kapwa wala ng buhay ang dalawang dalagitang magpinsan nang matagpuan sa loob ng kanilang tahanan sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang magpinsan na sina Diana Rose Liza Ulam, 15-anyos, at Joana Liza Coronado, 10-anyos, kapwa nakatira sa Padas Alley, Langaray, Caloocan City.

Sa inisyal na ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang dalawang bangkay ng kuya ng biktimang si Coronado. 

Dadalhan umano nito ng pagkain ang dala­wang dalagita ngunit nang paulit-ulit na kumatok ay hindi siya pinagbubuksan, kaya kanya umanong sinilip ito at nakita ang bakas ng dugo sa loob.

Humingi ng tulong ang kuya ni Coronado sa mga barangay tanod at nang buksan ang kuwarto ay tumambad ang duguang bangkay ni Ulam habang sa loob naman ng banyo nakita ang katawan ni Joana Liza.

Sa imbestigasyon ng pulisya, may nakita namang bakas ng dugo sa katabing bahay ng mga Coronado.  Nagmamadali umanong umalis ng bahay ang mga nakatira dito na hindi muna pinangalanan ng pulisya.

Nabatid rin na ginamitan ng “bolt cutter” at sinira ang kandado ng bahay kaya napasok ng mga salarin.

Sinasabing nakitira sa bahay ng mga Coronado ang 15-anyos na si Ulam makaraang umuwi sa probinsya ang nanay nito dahil sa may namatay na kaanak. Inaalam pa  ng pulisya ang motibo ng krimen kung pagnanakaw o tangkang gahasain ang mga biktima.

 

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DADALHAN

DIANA ROSE LIZA ULAM

HUMINGI

INAALAM

JOANA LIZA

JOANA LIZA CORONADO

PADAS ALLEY

ULAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with