^

Police Metro

Shootout sa checkpoint: Holdaper PATAY, pulis sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang pinaghihinalaang notoryus na mi­yem­bro ng robbery/hol­dup gang ang nasawi ha­bang isang pulis ang nasugatan sa naganap na shootout sa checkpoint sa Imus City, Cavite kahapon ng mada­ling-araw.

Wala pang pagkaka­kilanlan ang napatay na suspek na armado ng kalibre 38 baril. Habang ang nasugatang pulis ay kinilalang si PO2 Gerry Baniasia, nagtamo ng sugat sa kanang hita at isinugod sa Our Lady of Pillar Hospital sa lungsod.

Batay sa ulat, bandang ala-1:45 ng madaling-araw nang masabat ng mga elemento ng Imus City Police ang apat na motorcycle riding in tandem sa checkpoint sa Brgy. Buhay na Tubig ng lungsod.

Dito ay agad na pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis na ikinasugat ni Baniasia.

Kaya naman ay gumanti ng putok ang mga pulis at sa kasagsagan ng shootout ay tumimbuwang ang isang suspek na inabandona ng mga nagsitakas nitong kasamahan  at narekober ang isang kulay itim na motorsiklo na gamit ng mga ito sa operasyon.

Nabatid na ang grupo ng mga suspek ang hinihinalang nasa likod sa serye ng robbery/holdup sa Cavite.

 

vuukle comment

BANIASIA

BATAY

BRGY

BUHAY

CAVITE

GERRY BANIASIA

IMUS CITY

IMUS CITY POLICE

OUR LADY OF PILLAR HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with