^

Police Metro

Rapist arestado!

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Arestado ang isang manyak na mister na nag­tangka gumahasa at pumatay sa kanyang kapitbahay sa Navotas City, kahapon ng mada­ling-araw.

Naghihimas ngayon ng rehas at nahaharap sa kasong frustrated rape at murder ang suspek na si Arnel Jaime, 37-anyos.

Inoobserbahan naman sa Tondo General Hospital ang biktimang nagtamo ng tama ng saksak sa katawan na itinago sa pangalang Rosanna, kapitbahay ng suspek.

Ayon sa report, dakong alas-4:00 ng mada­ling-araw nang pasukin ng suspek sa kuwarto ang biktima at tutukan ng patalim.  Nanlaban naman si Rosanna kaya inundayan ng sunod-sunod na saksak.

Nagawa pang magsisigaw ng saklolo ang biktima na narinig ng mga nagrorondang barangay tanod na rumesponde at siyang dumakip sa suspek na naka-brief na lamang.

vuukle comment

ARESTADO

ARNEL JAIME

AYON

INOOBSERBAHAN

NAGAWA

NAGHIHIMAS

NANLABAN

NAVOTAS CITY

ROSANNA

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with