^

PM Sports

Dyip tumirik sa Tropang 5G

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Dyip tumirik sa Tropang 5G
Bol Bol
Justin Ford / Getty Images / AFP

MANILA, Philippines — Unli ang signal ng Talk ‘N Text kontra sa biglang tirik na Terrafirma, 101-89, upang makahabol sa mga lider ng PBA Season 50 Commissioner’s Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Bumulusok ang Tropang 5G sa unang quarter palang, 33-22, at hindi na prumento pa tungo sa 3-2 kartada.

Nakatabla ngayon ang TNT sa Ginebra para sa ikaapat na puwesto sa likod lang ng solo lider na Rain or Shine (6-0), NLEX (4-1) at Meralco (4-1).

Bumida na naman si Bol Bol na lumambat ng 35 puntos at 14 rebounds na double-double sahog pa ang 2 assists, 1 steal at 4 na supalpal.

Umayuda sa kanya si Calvin Oftana na may 20 puntos habang may tig-9 puntos sina Brandon Ganuelas-Rosser at Roger Pogoy.

Nag-ambag ng tig-6 puntos sina Avan Nava at Rey Nambatac habang may 5 puntos ang beteranong si Jayson Castro para sa mga bataan ni coach Chot Reyes na kagagaling sa dikit na 110-106 kabiguan kontra sa Meralco.

Lumamang ng hanggang 22 puntos ang Tropang 5G sa tambakang laban, 76-54, tungo sa tagumpay.

Napurnada ang 24 puntos, 17 rebounds, 3 assists at 2 steals ni Mubashar Ali para sa Dyip na nalasap ang ikatlong sunod na talo para sa 3-3 kartada.

Kahit ang 19 at 13 puntos nina Jerrick Ahan­misi at Brent Paraiso ay hindi sumapat para sa mga manok ni coach Ronald Tubid na mainit ang naging simula sa 3-0 bilang sorpresang lider ng 13-team standings bago sumadsad.

DYIP

NLEX

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with