^

PM Sports

Yulo bronze sa floor exercise

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakasikwat si Karl Eldrew Yulo ng bronze medal sa men’s floor exercise ng FIG Artistic Gymnastics World Cup Series Cairo Leg na ginaganap sa Cairo International Stadium sa Egypt.

Naglatag ng magandang performane si Yulo para umani ng 14.000 puntos upang masiguro ang podium finish sa World Cup Series Cairo Leg.

Nangibabaw sa natu­rang event si Daniel Marinov ng Russia na nagtala ng 14.233 habang nasiguro ni Arsenil Dukho ang 1-2 finish para sa Russia matapos kubrahin ang pilak bitbit ang nakuha nitong 14.133 puntos.

Nasa ikaapat na puwesto naman si Rayderley Zapata ng Spain na may 13.933 kasunod sina Li Hongyan ng China (13.766), Altynkhan Temirbrek ng Kazakhstan (13.766), Sebastian Spo­nevik ng Norway (13.566) at Antonios Tantalidis ng Greece (13.133).

Ito ang ikalawang me­dalya ni Yulo sa World Cup Series.

Una na itong kumana ng ginto sa Antalya Leg ng World Cup Series na ginanap sa Turkey noong nakaraang buwan kung saan pinagharian nito  ang parehong event na floor exercise.

Hindi naman pinalad na makapasok sa finals ang katropa ni Yulo na sina Southeast Asian Games champions John Ivan Cruz, Juancho Miguel Besana at Justine Ace De Leon sa kani-kanyang events.  

KARL ELDREW YULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with