^

PM Sports

Le Chic umarangkada sa Juvenile race

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpakitang gilas ang kabayong Le Chic matapos nitong angkinin ang korona sa 2026 Philracom 2nd Leg Juvenile Stakes Race kahapon sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.

Mabilis na lumabas ng aparato ang Dark Dynasty upang hawakan ang bandera sa kaagahan ng karera, subalit humabol agad ang Le Chic at Jian, habang nasa pang-apat na puwesto ang Rags Bell.

Pagdating sa kalagitnaan ng karera ay inagaw ng Le Chic ang unahan sa Dark Dynasty, nasa tersero ang Jian at lumalapit ang nasa pang-apat na Rags Bell.

Papalapit ng far turn ay umalagwa sa dalawang kabayo ang lamang ng Le Chic sa kumuha ng se­gundo puwesto na Jian, naupos sa tersero ang Dar Dynasty.

Pasapit ng home turn ay nanatili sa dalawang ka­bayo ang agwat ng Le Chic sa Jian, nasa tersero na ang Rags Bell, habang pang-apat na ang Samurai Blue sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Hindi nagbago ang hakbang ng Le Chic sa rektahan kaya naman magaan nitong tinawid ang meat ng may tatlong kabayo ang agwat sa pumangalawa na Jian.

Ginabayan ni dating Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee John Alvin Guce, inirehistro ng Le Chic ang tiyempong 1:26.6 minuto sa 1,400 meter race.

Kinubra ng winning horse owner ng SC Stockfarm Inc. ang P900,000 premyo, napunta sa Jian ang second place prize na P300,000.

Ang premyong P150,000 at P75,000 ay ibi­nigay sa third at fourth placers na Sumisikat at Rags Bell ayon sa pagkakasunod.

METRO TURF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with