Walang sabong?
Hindi naging pro player o top-rated athlete ang bagong uupong hepe ng Philippine Sports Commission, pero batak at kilala sa leadership, management at organizational skill.
Naipakita ito ni Patrick “Pato” Gregorio sa corporate world na kanyang naikutan at ganoon din sa mga posisyon na nahawakan sa sports.
Kahulihan ang pagiging presidente ng Philippine Rowing Association na naiangat niya ang kalagayan – testamento ang pagtuntong ng dalawang rowers sa dalawang nakaraang Olympics.
Nakabalik ang Philippine rowing sa Olimpiyada sa pamamagitan ni Cris Niavarez sa 2020 Tokyo at muling may representante sa 2024 Paris sa katauhan ni Joanie Delgaco.
Plantsado ang programa na iiwan ni Pato ang Philippine rowing dahil sa kanyang appointment sa PSC.
Malamang na mawawala rin ang kanyang presensiya sa Camp John Hay bilang mandando sa tourism engagement ng MVP Group.
Maaaring ma-delegate ito sa kanyang kasama sa team, kasama na rin ang kanilang pag-handle sa matagumpay na pagbabalik ng Tour of Luzon.
Maraming bagay ang nasa plato ni Pato, pero mauuna na muna ang mandatong nakuha sa Malacañang.
Sa kanyang pag-upo sa PSC, muli niyang makakasama sa trabaho si Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino.
Sa panahon nang POC presidency ni Ricky Vargas, si Gregorio ang secretary-general at si Tolentino naman ang chairman.
Maraming panahon na nagsasabong ang PSC at POC. Hindi siguro sa panahon ni Pato at Bambol.
- Latest



















