Warriors durog sa Spurs

SAN ANTONIO — Umiskor si Stephon Castle ng season-high 32 points at humakot si Victor Wembanyama ng 12 points at 12 rebounds sa 123-85 demolisyon ng Spurs laban sa Golden State Warriors sa isang NBA Cup play.
Ipinoste ng 7-foot-4 na si Wembanyama ang kanyang ika-121 career double-double.
Dumiretsto ang San Antonio (11-2) sa kanilang ika-11 sunod na panalo matapos ang 0-2 panimula sa season.
Naglaro ang Golden State (8-5) na wala si injured Stephen Curry (right oblique tear) at nakahugot kay L.J. Cryer ng 20 points, habang may 11 markers si Charles Bassey.
Ipinoste ng Spurs ang isang 43-point lead sa third quarter at ipinahinga ng defending Western Conference champions ang kanilang mga starters at key reserves sa kabuuan ng fourth period.
Sa iba pang laro, sinunog ng Miami Heat ang Cleveland Cavaliers, 133-121; lusot ang Indiana Pacers sa New York Knicks, 106-104; panalo ang Orlando Magic sa Milwaukee Bucks, 107-99; tinalo ng Chicago Bulls ang Atlanta Hawks sa overtime, 125-117; giniba ng Memphis Grizzlies ang New Orleans Pelicans, 142-111; wagi ang Houston Rockets sa Utah Jazz, 125-118; at iginupo ng Portland Trail Blazers ang Sacramento Kings, 120-107.
- Latest

















