Manas pasok sa Last 64 ng UK Open
MANILA, Philippines — Umusad si Pinoy cue artist AJ Manas sa Last 64 matapos tumumbok ng panalo sa winners qualification sa UK Open Pool Championsthip, 2025 sa Telford International Centre, England.
Ipinagpag ni 18-anyos na si Manas si Skyler Woodward ng USA, 9-5, upang samahan si two-time WPA World Champion Carlo Biado na sasargo sa round of-64.
Kinawawa ni Biado, ang 2017 World Nine-Ball Champion ruler at reigning World Ten-Ball Championship king, si Besar Spahiu ng Albania, 9-0, sa WQ match.
Bago lumaro sa WQ, pinagulong muna ni Manas si Steve Boyle ng United Kingdom, 9-4, sa first round at saka tinumbok ang 9-6 panalo laban kay Hsieh Chia Chen ng Taipei sa second round.
Naunang nagtala ng panalo ang 41 anyos na si Biado kina David Black ng United Kingdom, 9-1, sa kanilang Race-to-9 match sa round 1 at Landon Hollingsworth ng USA, 9-7, sa round 2.
Importante ang mga laro ngayon nina Biado at Manas dahil nasa knockout stage na ang dalawa at kailangan nilang manalo upang manatiling malakas ang tsansa na masilo ang titulo sa event na nakalaan ang $200,000 guaranteed prize.
- Latest















