^

PM Sports

SMB ibabaon pa ang Converge

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hihigpitan ng San Miguel Beer ang tangan nito sa primera puwesto habang magbabakbakan sa gitna ang Ginebra at Talk ‘N Text sa bigating double-header ng 2024 PBA Phi­lippine Cup sa PhilSports Arena sa Pasig.

Unang sasabak ang Beermen, hawak ang 5-0 kartada, kontra sa wala namang panalong Converge (0-6), sa alas-4:30 ng hapon bago ang main game sa pagitan ng Gin Kings (5-3) at Tropang Giga (4-3) sa alas-7:30 ng gabi.

Sentro ng atensyon ang Ginebra at TNT na nasa ikaapat at ikalimang puwesto, ayon sa pagkasunod, at buhay pa ang pag-asa sa Top 2 at twice-to-beat bonus kung makakalusot ngayon.

Parehong galing sa maalat na kampanya ang dalawang powerhouse teams bago unti-unting uminit upang makahabol sa mga lider ng All-Filipino tourney.

May tig-dalawang game winning streak ang Gin Kings at Tropang Giga. Pinakabago dito ang 95-88 panalo ng Ginebra kontra sa NorthPort at 104-101 tagumpay ng TNT kontra sa dating nagbabagang NLEX.

Kontra sa Tropang Giga ngayon, mamartsa ang Gin Kings na wala ang isang alas nitong si Jamie Malonzo matapos madale ng calf injury sa mga hu­ling segundo ng laban nila kontra sa Batang Pier.

 Sa kawalan ni Malon­zo, tatrangko sa Ginebra ang nagbabalik ding alas na si Scottie Thompson mula sa back injury kasama sina Maverick Ahanmisi, Stanley Pringle, Christian Standhardinger at Japeth Aguilar.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with