^

PM Sports

Bagong players ng Chery Tiggo, Petro Gazz at Cignal paparada sa PNVF Champions League

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasado na ang ikatlong edisyon ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League tampok ang biga­ting cast ng mga bagong-bihis na professional clubs simula bukas sa Rizal Memorial Sports Coliseum sa Maynila.

Sa unang pagkakataon, ipaparada ng Chery Tiggo, Petro Gazz at Cignal ang mga bagong players nila sa pangunguna ni middle blocker na si Aby Maraño, na dating kapitan ng disbanded na F2 Logistics.

Kasama ang long-time teammate ni Ara Galang, palalakasin ni Maraño ang Crossovers kasama ang mga pambato nitong sina dating MVP Mylene Paat at star spiker Eya Laure.

At bagama’t ito ang unang salang niya sa ba­gong koponan, kampeo­nato agad ang misyon ng 31-anyos na si Maraño.

“The goal is to be champions. Hindi kami nag­papakahirap at nagsasakripisyo sa training araw-araw para sa wala. Gusto namin maging champions sa PNVF,” ani Maraño na naitalaga agad bilang kapitan ng Chery Tiggo sa gabay ni coach Kungfu Reyes.

Sasabak din sa mga new teams maging ang mga dating pambato ng F2 na sina Dawn Macandili ng Cignal at Myla Pablo na magbabalik sa kanyang dating koponan na Petro Gazz.

Mamanduhan ng Japanese coach na si Koji Tsuzubara ang Gazz Angels kasama din si Fil-Am recruit  Brooke Van Sickle ng US NCAA.

Hindi naman pahuhuli ang kanilang mga karibal na Philippine Army at NCAA champion College of St. Benilde na siya ring nagwagi sa PNVF Challenge Cup noong nakaraang taon.

Sa men’s division na lalarga sa Pebrero 11 hanggang 17, bida ang paboritong Cignal sa Group A kasama ang PGJC Philippine Navy, Savouge Spin Doctors at CSB habang sabong sa Group B ang VNS Asereht Griffins, Iloilo D’Navigators, Air Force at Army.

“This is one of the premier events of the PNVF,” ani secretary general Don Caringal ng PNVF sa pangunguna ni president Ramon “Tats” Suzara.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL VOLLEYBALL FEDERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with