^

PM Sports

Hawks tambak sa Heat

Pang-masa
Hawks tambak sa Heat
Umasinta ng layup si Heat star Jimmy Butler laban sa Hawks defender sa Game 4.

Puro na sa conference semis

ATLANTA — Ipinoste ng top-seeded Maimi Heat ang lopsided na 110-86 pananaig laban sa Hawks para kunin ang 3-1 lead sa Game 4 ng  kanilang Eastern Confe­rence first round series

Nanguna sa opensa ng Heat si Jimmy Butler na kumayod ng 36 puntos para ilapit ang ka­nilang kampanya sa se­mis conference series.

Pinigil ng Miami ang si Trae Young sa siyam na puntos lamang sa 3-of-11 shoo­ting kung saan tatlo rito ang kinamada niya sa arko.

Nagdagdag pa si Butler ng 10 rebounds,  apat na assists at steals para sa Heat na hindi nakaasa kay Kyle Lowry na na­upo sa bench dahil sa hamstring strain.

Tatangkain ng Heat na wakasan ang serye sa kanilang bakuran sa Martes.

Sa Chicago, umiskor si Giannis Anteto­kounmpo ng game highs na 32 puntos at 17 rebounds para ihatid ang nagdedepensang champion Milwaukee Bucks sa 119-95 panalo laban sa Bulls sa Game 4 ng kanilang Eastern Confe­rence playoff series.

Gumawa rin ang Bucks star ng pitong assists na sinahugan ng da­la­wang supalpal para agawin ang 3-1 lead sa ka­nilang serye.

Nakakuha rin ang Bucks ng malaking tulong sa kanilang reserve na si Grayson Allen na naglista ng career playoff na high 27 puntos.

Ang Bulls, hindi pa nananalo sa home playoff game mula pa noong 2005, ay binanderahan ni Zach LaVine na may 24 puntos at 13 assists.

Sa Washington, Tumapos si Nikola Jokic ng 37 puntos para iiwas ang Denver Nuggets na mawalis sila ng Golden State Warriors  matapos ang 126-121 panalo sa ka­nilang first round Western Confe­rence series.

Nagsumite rin ang 27-anyos Serbian big man, ang NBA MVP noong nakaraang season, ng walong rebounds at anim na assists para ilapit ang Nuggets sa 1-3 agwat. 

Sa New Orleans, umiskor si Brandon Ingram ng 16 sa kanyang 30 puntos sa third quarter para talunin ng Pelicans ang Phoenix Suns, 118-103 sa Game 4 ng kanilang serye.

vuukle comment

MAIMI HEAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with