Elims ng “Pistahan” kasado na
MANILA, Philippines — Plantsado na ang “Pistahan sa Mega 5-Cock Derby” sa Abril 21 hanggang Mayo 23 sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque City.
Nakatakda ang 2-cock elimination sa Batangas (Fred Katigbak), Bicol (Jhan Gloria), Zamboanga City (Manny Dalipe & Bobby Fernandez), Baguio/Benguet (Tonyboy Tabora), Pangasinan (Osmundo Lambino), Nueva Ecija (Roel Facundo) at Bulacan (Jaime Escoto & Nicholas dela Cruz).
Handog ng Ka Lando Luzong & Friends at ng Thunderbird, may garantisadong P3 milyong premyo ang “Pistahan” kung saan ang entry fee at minimum bet ay tig-P4,400 .
Para sa pagpapareserba ng slots at iba pang detalye, maaaring tumawag sa Roligon Mega Cockpit sa 02-519-7345 at kina Shirley (0920-9509090) at Tiling (0926-7134069) at maging sa FB page ng Roligon.
- Latest