^

PM Sports

Thanks chairman Butch

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Nadagdagan pa ang kinang ng performance ni Philippine Sports Commission chairman William “Butch” Ramirez bago bumaba sa puwesto kasabay ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte.

Ito ay dahil sa tagumpay ng kanyang pagpapatakbo ng mediation proceeding upang maayos ang gusot sa pagitan ng track and field association (PATAFA) at ni World No. 5 pole vaulter EJ Obiena.

Sa kasagsagan ng bangayan, ang PSC chair ang tanging nariringgan ng malumanay at payapang tinig.

Ayaw magpabali sa kanilang tindig ang PATAFA, at matapang din naman sa kanyang diskurso si Obiena.

May sariling tindig ang ibang sports leaders na salpok sa tayo ni PATAFA president Philip Ella Juico.

Pero mayroon ding tsitsiwariwap ang PATAFA.

Kaya naman tala­gang matindi ang salpukan na naglagay sa ala­nganin ng kahihinatnan ng playing ca­reer ni Obiena.

Mabuti at hindi sumuko si Chairman Butch na mapag-abot ang mga kamay ng PATAFA at ni Obiena.

Sa ikalimang sesyon ng mediation, nakamit ang pag-aayos, pagbabati at kapayapaan. At salamat sa pasensya at tiyaga ng mediator sa katauhan ni Chairman Butch.

Ngayon eh, wala ng hadlang sa paglalaro ni Obiena sa parating na SEA Games at World Outdoor Athletics.

Kailangan ngayon ni Obiena na mag-deliver sa tunay na laban.

vuukle comment

WILLIAM RAMIREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with