^

PM Sports

Jaja Santiago atat nang sumalang sa national tryout

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Excited na si middle blocker Jaja Santiago na sumalang sa three-day volleyball tryout sa Abril 28 para sa bubuuing women’s national volleyball team na sasabak sa 2021 Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Mauuna ang indoor volleyball sa Abril 28 hanggang 29 habang sa Abril 30 naman ang tryout para sa beach volleyball.

Matatandaang hindi nasilayan sa aksiyon ang 6-foot-5 Pinay spiker noong 2019 SEA Games na ginanap sa Philsports Arena sa Pasig City dahil sa conflict sa schedule nito sa Japan V. League kung saan naglalaro ito para sa Saitama Ageo Medics.

Kaya naman sasamantalahin ni Santiago ang pagkakataong ito upang muling bitbitin ang bandila ng Pilipinas sa isang international tournament.

“Sobrang excited na ako dahil halos lahat naman ng volleyball players gusto maging member ng national team. Masarap sa feeling na dala mo ‘yung bandera ng Pilipinas,” ani Santiago.

Sariwa pa si Santiago sa matamis na kampeo-nato sa Japan V. League kasama ang Ageo Medics at umaasa ito na madadala niya ang magandang karanasang natutunan nito sa Japan. “Gusto kong mai-share sa kanila ‘yung mga natutunan ko sa Japan. Iba ang training sa Japan,” ani Santiago.

 

vuukle comment

JAJA SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with