Wanheng sinapawan ang 50-0 record ni Mayweather

MANILA, Philippines — Nasapawan na ang 50-0 undefeated boxing record ni American boxing legend Floyd Mayweather, Jr.
Noong Linggo ay nagretiro si Thai fighter Wanheng Menayothin, kilala sa tawag na ‘Dwarf Giant’, sa boxing at may mas magandang 54-0 record.
“I have decided that it’s good to stop boxing. I know how I am. No one knows my body as much as I do. I stop boxing like this. Everyone needs mo-ney. But I would like to heal my body,” sabi ng 34-anyos na Thai star.
Dahil dito ay tuluyan na niyang inilibing ang 50-0 marka ni Mayweather na nagretiro noong 2017 matapos talu-nin si UFC superstar Conor McGregor para ungusan ang 49-0 baraha ni legendary heavyweight Rocky Marciano.
Ipinoste ni Marciano ang kanyang 49-0 record noong 1955 at makalipas ang 62 taon ay inangkin ni Mayweather ang titulo ng best record sa boxing.
Subalit kung tutuusin ay nauna nang tinalo ni Menayothin, ang WBC minimumweight champion, si Mayweather sa pagandahan ng record nang ilista ang 51-0 marka noong Agosto ng 2018.
- Latest















