^

PM Sports

Harden humataw uli

Pang-masa
Harden humataw uli

HOUSTON — Umiskor si James Harden ng 44-puntos sa kanyang unang triple-double nga-yong season nang ipalasap ng Houston ang ikaapat na sunod na talo ng Philadelphia, 118-108.

Pinahanga ni Davis si Rockets coach Mike D’Antoni sa kanyang performance na kinapalooban pa ng 11 rebounds at 11 assists na ika-43 sa kanyang career upang makatabla kay Fat Level sa ikawalong puwesto sa NBA history.

“He just understands the game, sees it and knows where he wants them,” sabi ni D’Antoni. “They stay out, he throws a lob. They come in, he throws that. He’s got that little runner, his 3s are all over the place. I mean, he’s really good. He’s one of the best ever.”

Sa gabi ng “Flashback Friday” kung saan suot ng Rockets ang kanilang retro ketchup-and-mustard uniforms mula sa kanilang back-to-back NBA title days noong mid-90s, retro rin ang porma ni Harden na may suot na white headband at cornrows.

Sa pagbabantang pagbabalik ng Philadelphia sa endgame, pumukol si Harden ng step-back 3-pointer laban kay Josh Richardson sa huling 1:17 minuto ng laro na naglayo sa Houston ng 10-puntos. Sa sumunod na posesyon, nakita niya si Clint Capela para sa alley-oop at idinakdak niya ito.

Pinangunahan ni Ben Simmons ang Philadelphia sa kanyang 29 points, 13 rebounds, 11 assists at four blocks, na tumabla sa kanyang career-high. Ito ang kanyang pang-25th career triple-double at ikatlo ngayong  season. Umiskor si Tobias Harris ng 24 points.

Sa Los Angeles, nagtala naman si Anthony Davis ng 46-puntos at 13-rebounds laban sa dati niyang team na New Orleans tungo sa 123-113 panalo sa kanilang ikaapat na sunod na panalo.

Nagdagdag si Danny Green ng 25 habang si LeBron James ay may 17-points at 15 assists para sa Lakers.

Ito ang ikalawang sunod na 40-point game ni Davis laban sa koponang ginugol niya ang pitong season matapos siyang kunin top overall pick noong 2012. Mayroon din siya 13-rebounds para sa kanyang ika-16th double-double ngayong season.

vuukle comment

HARDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with