^

PM Sports

SBU isa na lang, sweep na

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Humakbang palapit sa asam na sweep sa elimination round ang three-peat champion San Beda Red Lions matapos muling pataubin ang St. Benilde Blazers, 95-73, kahapon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras sina Calvin Oftana at James Kwekuteye sa paghataw ng 31 puntos sa ikatlong yugto tungo sa pagsungkit sa kanilang pang-17 sunod panalo at isang laro na lamang ang kulang para walisin ang double-round elimination.

Susubukan ng Mendiola-based team na walisin ang elims sa kanilang huling laro kontra sa Season 94 runner-up at pumapangalawang Lyceum Pirates sa Oktubre 17.

Ang Blazers ay nalaglag sa 7-9 win-loss kartada at umaasa na lamang sila na magwawagi ang Mapua (7-8) kontra sa San Sebastian Stags (9-6) upang manatiling buhay ang pag-asa na semifinal berth dahil kung mananalo ang Stags, makukumpleto na ang four-team semis cast.

 Kapwa Cardinals at Stags ay naglalaro pa habang sinusulat ang istoryang ito.

Tumapos ang MVP leading candidate na si Oftana ng 29 puntos, siyam na rebounds, limang assists at da-lawang steals habang ang Fil-Canadian na si Kwekuteye ay tumulong ng 21 puntos, siyam na rebounds at pitong assists para sa Red Lions.

Sa juniors’ division, nagwagi ang SSC-R Stag-lets kontra sa Mapua Red Robins, 74-69, para panatiliing buhay ang pag-asa sa playoff round habang bumawi naman ang SBU Red Cubs laban sa first round tormentor CSB-LSGH Greenies, 94-87, upang makamit ang ika-16th panalo sa 17 laro.

vuukle comment

NCAA BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with