Wagi ang Pasig, Mindoro at Basilan
MANILA, Philippines — Pinatumba ng Pasig Sta. Lucia Realtors ang Soccsksargen Marlins, 89-77, para sa kanilang ikaapat na sunod na panalo sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season kamakalawa ng gabi sa Pasig Sports Complex.
Sa pamumuno nina Jeric Teng, Josan Nimes, Jeric Serrano at Robbie Manalang ay itinaas ng Realtors ang kanilang baraha sa 5-2.
Tumipa si Teng ng 25 points, 8 rebounds, 3 assists at 2 steals, habang nagdagdag sina Nimes, Manalang at Serrano ng 19, 15 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.
Bumangon naman ang Mindoro Tamaraws mula sa 14-point deficit para resbakan ang Bicol Volcanoes, 74-70.
Pinabagsak ng Basilan Steel ang Iloilo United Royals, 78-74, tampok ang 15 points ni Irven Palencia kasunod ang 13 markers ni Daren Lunor.
- Latest