^

PM Sports

Palicte bigo kay Ioka

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bigo si Aston Palicte na makuha ang world title matapos lumasap ng 10th-round knockout loss kay Ja-panese Kazuto Ioka sa kanilang World Boxing Organization (WBO) super flyweight bout noong Miyerkules ng gabi sa Makuhari Messe Event Hall sa Chiba, Japan.

Maganda naman ang simula ni Palicte na nagpakawala ng solidong kumbinasyon mula sa una hanggang sa ikaanim na rounds ng laban.

Subalit nanatiling ma­tatag si Ioka sa mga su­munod na rounds para ma­pabagal si Palicte.

Sa 10th round ay nagpakawala na ng kaliwa’t kanang atake si Ioka dahilan upang itigil na ni Referee Kenny Chevalier ang laban para hindi na maagrabyado pa si Pa­lic­te.

Ito ang unang KO loss ni Palicte na nahulog sa 25-3-1 record tampok ang 21 knockouts.

Sa kabilang banda, iti­­­nanghal si Ioka na four-division world champion – ang kauna-unahang Ja-panese fighter na nakagawa ng naturang tagumpay.

Umangat sa 24-2 (14 KOs) ang marka ni Ioka.

vuukle comment

ASTON PALICTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with