^

PM Sports

Spense, Porter pumila kay Pacquiao

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawa pang matitikas na boxers ang sumama sa listahan ng mga posibleng makalaban ni eight-division world champion at reigning WBA welterweight king Manny Pacquiao sa susunod na taon.

Pasok sa eksena sina Errol Spence Jr. at Shawn Porter na parehong nagtataglay ng magagandang rekord.

Sariwa pa si Spence na di hamak na mas bata sa edad na 28 kumpara sa 39-anyos na Pinoy champion. Armado ito ng 24-0 rekord tampok ang 21 knockouts.

Galing ito sa impresibong first-round knockout win laban kay Carlos Ocampo ng Mexico noong Hunyo.

Mas bata rin ang 30-anyos na si Porter na may 29 wins, 2 losses at 1 draw.

Nagtala si Porter ng dalawang sunod na draws noong Setyembre 8, 2018 at Nobyembre 4, 2017. Huling naka-knockout si Porter noong Abril 22, 2017 nang pabagsakin nito si Andre Berto ng Amerika via ninth-round TKO.

Dalawa lamang sina Spence at Porter sa apat na boksingero nakalinyang pagpipilian ni Pacquiao.

Nauna nang pinangalanan si undefeated American pug Floyd Mayweather Jr. para sa isang mega bout rematch gayundin si Mikey Garcia.

Lumutang ang pangalan nina Mayweather, Spence, Porter at Garcia na pare-parehong hawak ng Premier Boxing Champions.

Nakipagsanib-puwersa kamaka-ilan ang MP Promotions ni Pacquiao sa PBC para sa mga susunod niyang laban.

Nakatakdang sagupain ni Pacquiao si Adrien Broner sa Enero sa Las Vegas, Nevada.

vuukle comment

PORTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with