^

PM Sports

SMB-Alab Pilipinas abante sa 2-1

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Gamit ang angking lakas, iginupo ng San Miguel-Alab Pilipinas ang Mono Vampire Thailand, 99-93 upang muling umangat sa 2-1 bentahe sa kanilang best-of-five championship series sa  2017-2018 ASEAN Basketball League na nagptuloy kahapon sa teritoryo ng kalaban sa Stadium 29 sa Bangkok, Thailand.

Binaliwala nina Justin Brownlee, Renaldo Balkman at Bobby Ray Parks ang sigawan ng hometown crowd para bumawi sa kanilang 100-103 pagkatalo sa Game Two noong Miyerkules sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna.

Nagwagi rin ang tropa ni Alapag sa Game One (143-130) via overtime noong Linggo kaya kaila-ngan na lang ng isang panalo para maiuwi ang titulo.

Muling maghaharap ang Alab Pilipinas at Mono Vampire sa Game Four bukas sa parehong venue at kung kinakaila-ngan, babalik ang serye sa Sta. Rosa, Laguna para sa deciding Game Five sa Mayo 2.

Matapos maungusan sa first half, 48-50, kumamada sina Brownlee at Balkman ng 27-17 third quarter para umangat sa 75-67 kalamangan pagkatapos ng tatlong yugto.

Umiskor ang 7’5 na si San Deguara ng split free throw na sinagot ni Brownlee ng triple para sa sampung puntos na bentahe, 78-68. Umabot sa 11 puntos ang bentahe ng tropa ni Alapag, 85-74 matapos ang jumper ni Parks, may 4:49 minuto na lang ang natitira.

Pinangunahan ni Parks ang panalo ng Alab sa kanyang 30 puntos, limang rebounds, dalawang assists at dalawang steals habang umani rin si Brownlee ng 27 puntos kabilang na ang limang triples na may kasamang 12 rebounds at pitong assists.

Hindi rin nagpahuli si Balkman at umiskor ng 24 puntos, 16 rebounds, pitong assists, apat na steals at dalawang blocks at tig-limang puntos naman sina Urbiztondo at Raymundo.

 

 

vuukle comment

SMB-ALAB PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with