^

PM Sports

Panahon na ni Barnes

Pang-masa
Panahon na ni Barnes
Tinangkang umiskor ni Harrison Barnes ng Dallas laban kay Greg Monroe ng Milwaukee.

DALLAS – Sa paghahanap ng Dallas ng unang panalo matapos mawala ang kanilang dalawang starters, umiskor si Harrison Barnes ng career-high na 34 points nang igupo ng Mavericks ang Milwaukee Bucks 86-75 sa overtime nitong Linggo.

Umiskor si Barnes, iniwan ang Golden State para pumirma ng $94 million, four-year contract sa Dallas, ng hindi bababa sa 30 points ng dalawang beses sa season na ito na nagawa niya sa Warriors, apat na taon na ang nakakaraan.

Ang kanyang 20-foot jumper ang nagsimula ng scoring sa overtime at hindi na naghabol ang Mavericks (1-5) sa extra period, nang kanilang ma-outscore ang Bucks, 12-1 at pinuwersa sa turnovers.

“I think the biggest thing that Coach (Rick Carlisle) has told me is just look for my shot and be aggressive,” sabi ni Barnes. “My teammates have a lot of confidence in me and when I was able to get into a good rhythm, the basket got bigger and bigger.”

Lumaro ang Dallas na wala sina starters Dirk Nowitzki (namamaga ang kanang Achilles) at Deron Williams (napuwersa ang kaliwang alak-alakan).

Nagdagdag si J.J. Ba-rea ng 21 points para sa Dallas, kabilang ang lima sa overtime.

Sa Toronto, nagtala si DeMarcus Cousins ng 22 points at 14 rebounds, umiskor si Rudy Gay ng 23 laban sa kanyang da-ting team nang igupo ng Sacramento ang Toronto Raptors, 96-91 sa harap ng 19,800 crowd sa Air Canada Centre na siyang nagpalakas sa team.

Nagtala si Gay ng nine points sa fourth quarter nang wakasan ng Kings (3-5) ang 4-game losing streak sa pagkapanalo sa finale ng  kanilang five-game trip.

Tumapos si Matt Barnes ng walong puntos at 10 rebounds at nagdagdag si Kosta Koufos ng 13 points at six rebounds.

Pinangunahan ni DeMar DeRozan ang Raptors (4-2) sa kanyang 23 points, na siyang unang pagkakataon na umiskor siya ng wala pang 30-puntos.

Nagdagdag si Kyle Lowry ng 15 points at 11 assists para sa Toronto na naputol ang three-game winning streak.

 

 

vuukle comment

BARNES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with