^

PM Sports

Laoag makikisosyo sa ikalawang silya

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipagpapatuloy ng Laoag ang hangaring makapasok sa semifinal round sa kanilang pakikipagsagupa sa University of the Philippines sa Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference sa Philsports Arena ng Pasig City.

Haharapin ng Power Smashers ang Lady Maroons ngayong alas-6 ng gabi, habang kapwa target ng Air Force at BaliPure ang ikalawang panalo sa kanilang pagtutuos sa alas-4 ng ha-pon.

Magbabanggaan ang Champion Supra at 100 Plus sa alas-12:30 ng tanghali sa Spiker’s Turf Reinforced Conference.

Ang Laoag ay nasa ikatlong puwesto kata-bla ang Pocari sa pareho nilang 2-1 kartada at ilang agwat lamang ang layo mula sa nangu-ngunang University of Sto. Tomas na may 4-1 record kasunod ang Bureau of Customs na hawak ang 3-1 slate.

Kung mananalo ang Power Smashers ay tatabla sila sa Customs Transformers sa ikala-wang puwesto. 

Hindi naman mala-yo ang layunin nina Gretchel Soltones, Jo-relle Singh, Aiko Urdas,  Wenneth Eulalio at setter Relea Saet  sapagkat  mataas ang kanilang kumpiyansiya bunga ng kanilang 3-1 panalo laban sa Air Force Jet Spikers noong nakaraang linggo.

Sa ibang laro, pangu-ngunahan nina imports Katherine Morrell at Kaylee Manns ang Water Defenders na nagmula sa 26-24, 25-21, 25-21 panalo kontra sa Transformers noong nakaraang Miyerkules.

Inaasahan naman ng BaliPure ang magandang laban dahil ang PAF Jet Spikers na may 1-2 card ay kailangang manalo para manatili ang kanilang pag-asang umusad sa semis.

Samantala, tinalo ng Pocari Sweat ang UP Lady Maroons, 25-20, 25-17, 25-23, noong Sabado upang masungkit ang ikalawang panalo sa tatlong laban.

Ang Lady Maroons naman ay bumagsak sa kanilang 1-3 baraha at nanganganib sa kanilang kampanya.

 

vuukle comment

SHAKEY’S V-LEAGUE SEASON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with