^

PM Sports

Karera para sa 4YO kabayo ilalarga sa Enero 31

Pang-masa

MANILA, Philippines – Inihayag ng Philippine Racing Commission ang kanilang stakes race para sa mga four year old & above  na gaganapin sa Enero 31 sa Santa Ana Park, Naic Cavite.

Ang mga nominadong mga kabayo ay ang Tap Dance, Penrith, Milky Way, Messi, Marinx, Manalig Ka, Mabsoy, Icon, Hot And Spicy, Epic at Cat’s Dream ngunit wala pang mga naitalagang hinete para sa mga kabayong ito.

Itatakbo ang karera sa 1,300 meters at may kabuuang papremyong P500,000 na hinati sa kampeon - P300,000; runner-up - P112,500; third placer - P62,000; at fourth placer - P25,000. Mayroon ding Breeder’s Purse na P15,000 para sa mananalo.

Samantala,  nanguna para sa mga dehadong nanalo nitong Lunes ang Maincore Sunspots na dinala ni J.V. Ponce sa isang New Year Racing Festival (SR12).

Hindi rin nagpabaya ang  Windy Star na coupled entry ang To Infinity And Beyond para angkinin ang isa pang New Year Racing Festival (SR18) sa ikatlong karera sa pagre-renda ni class-D rider R.C. Landayan  habang ang paboritong si Andre’s Easter ay pumangatlo.

Umigkas rin ang isa pang dehadong Boss Pogi na nirendahan ni H.R.Dilema sa isa pang New Year Racing Festival (SR20) para ungusan ang second favorite na Ni Haow at kinailangan pa ang servicio ng photo patrol para maideklarang panalo. (JM)

vuukle comment

ANG

BOSS POGI

HOT AND SPICY

MAINCORE SUNSPOTS

MANALIG KA

MILKY WAY

NAIC CAVITE

NEW YEAR RACING FESTIVAL

NI HAOW

PARA

PHILIPPINE RACING COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with