^

PM Sports

Gustong pasayahin ng Ginebra ang Brgy. Dubai

Pang-masa

MANILA, Philippines – Pasayahin ang mga tagahanga sa Dubai ang nais mangyari ng Barangay Ginebra sa pagharap nila sa Alaska Aces ngayong hatinggabi sa Al Wasl Sports Club sa Dubai, United Arab Emirates.

Sa ganap na ika-12 ng hatinggabi mapapanood ang laro at puputulin ng Gin Kings ang dalawang sunod na kabiguan kung papalarin sila sa bakbakan.

Ang larong ito ay tatapos rin sa dalawang magkasunod na out-of-the-country game ng PBA sa unang conference ng taon.

Kagabi ay ginawa ang unang laro sa pagitan ng Aces at Mahindra Enforcers habang sinusulat ang balitang ito.

Ang Enforcers, Gin Kings at Meralco Bolts ay may magkakatulad na 0-2 baraha para mangulelat sa 12-koponang liga.

Sa kabilang banda, ang Aces ay mayroong 2-0 baraha at posibleng pumaimbulog sa liderato kung maipapanalo ng Aces ang dalawang laro.

Nananalig ang bagong Ginebra coach na si Tim Cone na sa ikatlong laro ng kanyang team ay lalabas na ang tunay na lakas ng koponan.

Matapos matalo sa dating koponan ni Cone na Star  Hotshots, 78-86 ay nagkaroon ng senyales na makakabangon sila sa Barako Bull nang lamangan nila ito ng 21 puntos.

Pero nawala ang pasensya ng Gin Kings para maisuko pa ang 79-82 pagkatalo.

“We’ve adopted well to what we do in practice, but come game time, we haven’t learned to keep our discipline,” wika ni Cone.

Alam naman niya na ito ay epekto sa bagong diskarte na ipinaiiral niya sa koponan at ramdam na makakabangon pa ang koponan dahil sa magandang ipinakikita ng manlalaro sa sistema.

“I’m very happy with the players’ effort. We know we’d need to be patient,” dagdag nito.

Dapat maging maganda na ang itakbo ng laro ng koponan para mahigitan ang matibay na laro ng Aces na hindi pa natatalo matapos ang dalawang laro.

vuukle comment

ACIRC

AL WASL SPORTS CLUB

ALASKA ACES

ANG

ANG ENFORCERS

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

DUBAI

GIN KINGS

LARO

MAHINDRA ENFORCERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with