^

PM Sports

Semis target ng Ateneo, NU Spikers

Pang-masa

MANILA, Philippines - Puwesto sa semifinals ang target ngayon ng Ateneo Eagles at National University Bulldogs sa pagharap sa magkahiwalay na kalaban sa Spikers’ Turf Collegiate Conference sa The Arena sa San Juan City.

Masusukat ang UAAP champion na Eagles dahil katipan nila ang NCAA champion na Emilio Aguinaldo College sa alauna ng hapon habang kalaro ng Bulldogs ang St. Benilde Blazers sa third game dakong alas-5 ng hapon.

Kakapitan naman ng La Salle Archers ang ikatlong puwesto kung mananalo sa NCBA Wildcats sa ikalawang laro dakong alas-3 ng hapon.

Parehong may 4-0 karta ang Ateneo at NU at ang makukuhang panalo ay sapat na para makasi-guro sa Final Four sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home Ultera.

Huling koponang tinalo ng Eagles ay ang FEU Tamaraws, 25-21, 25-19, 22-25, 25-17 noong Lunes at si Marck Jesus Espejo ay tumapos ng 20 puntos.

Nais ng Generals na bumangon matapos matalo sa Blazers sa limang mahigpitang set at inaasahang mangunguna uli ang leading scorer ng liga na si Howard Mojica na ga-ling  sa paglista sa season-high na 35 puntos.

Sasakyan ng Blazers ang momentum upang manatiling buhay ang hangaring mapanalunan ang titulo sa liga. (AT)

vuukle comment

ANG

ATENEO EAGLES

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

HOME ULTERA

HOWARD MOJICA

LA SALLE ARCHERS

MARCK JESUS ESPEJO

NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

SAN JUAN CITY

SPORTS VISION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with