^

PM Sports

NU, NCBA agawan sa q’final slot

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ikalawang upuan sa quarterfinals sa Group A ang paglalabanan ng National University Bulldogs at NCBA Wildcats sa Spikers’ Turf Collegiate Confe­rence ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Nakatiyak na ng upuan sa susunod na round ang NCAA champion Emilio Aguinaldo College Ge-ne­rals (Group A) at UAAP champion Ateneo Eagles (Group B) sa 3-0 karta.

Ang labanan ng Bulldogs at Wildcats ay mapapanood dakong alas-3 ng hapon at malalaman kung magiging bentahe sa Wildcats ang mga guest players na sina Edwin Tolentino at Reyson Fuentes na mga dating manlalaro ng Bulldogs.

Unang salpukan sa ganap na alauna ng hapon ay sa pagitan ng Arellano Chiefs at St. Benilde, habang ang huling laro sa alas-5 ay sa hanay ng La Salle Archers at La Salle-Dasmariñas Patriots.

Parehong  may 0-2 karta ang Chiefs at Patriots sa Group B kaya inaasahang ilalabas na nila ang lahat ng makakaya dahl ang isa pang pagkatalo ay maglalagay sa peligro ang hangaring maging palaban pa sa titulo sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng PLDT Home    Ultera.

Galing din sa talo ang Blazers sa kamay ng UP Maroons noong  Hulyo 20 sa larong umabot sa apat na sets at asahan na paghuhusayan pa ni Johnvic De Guzman para tumatag ang kanilang paghahabol.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARELLANO CHIEFS

ATENEO EAGLES

EDWIN TOLENTINO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GE

GROUP A

GROUP B

JOHNVIC DE GUZMAN

LA SALLE ARCHERS

LA SALLE-DASMARI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with