^

PM Sports

Nagbago ang galaw ni Pacquiao

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nag-iba na nang pahayag si Freddie Roach matapos ang kanilang ensayo ni Manny Pacquiao sa kanyang Wild Card Gym sa Los Angeles.

Tatlong araw na ang nakakalipas nang sinabihan ni Roach na siya ay medyo dismayado dahil sa ikinilos ni Pacquiao sa siyam na rounds na sparring session.

Sinabi ni Roach na hindi niya nagustuhan ang galaw ni Pacquiao kaya siya nadismaya.

Nagpahinga si Pacquiao noong Linggo at nagbalik sa gym kahapon para sa kanyang pang-apat na linggong pagsasanay sa pinakamalaki niyang laban.

Kasama ni Pacquiao si Roach sa loob ng ring sa loob ng isang oras at nagpapawis ang mag-partner ng 12 rounds sa punch mitts na halos walang hinto.

Ayon kay American publicist Fred Sternburg, si Pacquiao ay tila isang makina.

Tiniyak ni Roach na makukuha ni Pacquiao ang kanyang mensahe na ayaw niya ang naging galaw nito sa nakaraang sparring.

“I’m not gonna be nice to him. I’m gonna make him do what I want because that’s the way he can beat Mayweather,” wika ni Roach.

Hindi ito dinamdam ni Pacquiao at nilisan ang gym na nakangiti.

“It was the best day of training we have had yet for this camp,” sabi ni Roach.

“Manny is the smarter, faster and stronger fighter.  He is going smoke ‘Mr. 47 and 1,’ Floyd Mayweather on May 2,” dagdag pa nito.

Makikipag-spar si Pacquiao ngayon at maaaring umabot ito sa 12 rounds.

Samantala, inilarawan naman ng isa niyang sparmates si Floyd Mayweather bilang “as strong as hell.”

“Floyd, he explosive man, he strong as hell,” sabi ni Don Moore, ang sparring partner ni Mayweather, sa The Boxing Voice.

“I’m trying to wrap him up, learn from him, ducking and dodging and running off combinations man and he see everything. It’s like man, master of boxing,” dagdag pa ni Moore.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BOXING VOICE

DON MOORE

FLOYD MAYWEATHER

FRED STERNBURG

FREDDIE ROACH

LOS ANGELES

MAYWEATHER

PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with