^

PM Sports

Rose makakalaro pa ngayong season?

Pang-masa

CHICAGO -- Sinabi ni Chicago Bulls guard Derrick Rose na babalik siya ngayong season matapos ang kanyang operasyon sa tuhod.

Ngunit hindi niya sinabi kung kailan.

Sa pakikipag-usap sa media sa unang pagkakataon matapos ang surgery noong Feb. 27 para ayusin ang napunit na medial meniscus sa kanyang kanang tuhod, sinabi ni Rose na ang kanyang pagbabalik sa season ay  plano niya talaga ngunit gagawin niya ito kung sa tingin niya at kaya na niya.

Makaraan ang surgery, inihayag ng Bulls na apat hanggang anim na linggo ang hihintayin  bago ma-evaluate si Rose.

“I feel good. I’m in a positive place right now,’’ wika ni Rose. “Just trying to keep it positive and get the most out of these days.’’

Si Rose ay huling nag-laro noong Feb. 23 laban sa Milwaukee kung saan siya nagtala ng 1-for-13 shooting sa loob ng 33 minuto.

Kinabukasan ay inihayag ng Bulls na sasai-lalim siya sa knee surgery.

Hindi nakalaro si Rose noong 2012-13 season matapos mapunit ang kaliwang ACL sa first round ng 2012 playoffs at naka-10 laro lang sa nakaraang season nang mapunit ang meniscus sa tuhod.

vuukle comment

CHICAGO BULLS

DERRICK ROSE

FEB

KINABUKASAN

MAKARAAN

NGUNIT

ROSE

SI ROSE

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with