Clippers tinapos ang streak ng Spurs
SAN ANTONIO – Humakot si Blake Griffin ng 31 points at 13 rebounds para pamunuan ang Los Angeles Clippers sa 105-85 panalo laban sa San Antonio Spurs.
Winakasan ng Clippers ang six-game home winning streak ng Spurs.
Nagdagdag si guard Chris Paul ng 20 points kasunod ang 11 ni Spencer Hawes para sa panalo ng Los Angeles, habang kumolekta si DeAndre Jordan ng 8 points at 19 rebounds.
Si All-Star reserve Tim Duncan ng San Antonio ay nalimitahan sa 4 points para sa kanyang season low.
Binanderahan ni Kawhi Leonard ang Spurs sa kanyang 24 points kasunod ang 16 ni Danny Green na may limang 3-pointers.
Kumamada si Griffin ng 10 points sa third quarter, kasama rito ang dalawang free throws sa huling 43.9 segundo para ibigay sa Clippers an g 84-65 bentahe.
Sa Atlanta, kumamada si Al Horford sa huling mga minuto ng laro para ihatid ang Hawks sa 91-85 panalo laban sa Philadelphia 76ers.
Umiskor si Horford ng 23 points para tulungan ang Atlanta na makabalik sa porma matapos pakawalan ang isang 21-point lead at idiretso ang kanilang franchise-record winning streak sa 19 laro.
“That was a rough game,” sabi ni Atlanta guard Jeff Teague, tumapos na may 10 points. “We had to battle it out and win any way possible.”
Lumamang ang Hawks ng 21 points sa first half, ngunit nakabalik sa laro ang 76ers para agawin ang 83-81 abante galing sa slam dunk ni Nerlens Noel sa huling tatlong minuto ng laro.
Itinabla ni Horford ang laro sa 83-83 kasunod ang tres ni Dennis Schroeder para sa 86-83 kalamangan ng Atlanta sa huling 1:35 minuto.
Ang mintis ni K.J. McDaniels para sa Philadelphia na sinundan ng jumper ni Horford ang nagbigay sa Atlanta ng five-point lead.
Sa Orlando, nagkaroon ng head injury si point guard Rajon Rondo ng Dallas sa huling 98 segundo ng laro.
Sinandalan ng Mavericks sina Monta Ellis at Tyson Chandler para sa kanilang 108-93 pananaig laban sa Magic.
- Latest