^

PM Sports

Celtics nakaligtas sa Blazers

Pang-masa

PORTLAND, Ore. -- Nagsalpak si Evan Turner ng isang three-pointer sa natitirang 1.9 segundo at nalampasan ng Boston Celtics ang Portland Trail Blazers, 90-89.

Umiskor si Avery Bradley ng 18 points para banderahan ang Cel-tics, tinapos ang kanilang three-game losing slump, habang nag-ambag si Ja-red Sullinger ng 17 points at 9 rebounds.

Naglista naman si Damian Lillard ng 21 points at 7 assists sa panig ng Blazers, naipatalo ang lima sa kanilang huling anim na laro bunga ng injuries sa kanilang front line.

Ang split ni Wesley Matthews ang nagbigay sa Blazers ng one-point lead kasunod ang turnover ng Celtics na nagbalik ang bola sa Portland.

Ngunit nabigong makaiskor ang Blazers bago nagsalpak si Thomas Robinson ng isang free throw para sa kanilang 89-87 abante sa huling 26.6 segundo.

Tumipa si Turner ng isang 3-pointer para ibigay sa Boston ang 90-89 kalamangan at hindi nakaporma si  Lillard sa posesyon ng Portland sa pagtunog ng final buzzer.

Nabigla ang Blazers nang malaman na hindi puwedeng maglaro ssi three-time All-Star LaMarcus Aldridge na napunit ang litid sa kanyang kaliwang hinlalaki at kailangan itong operahan.

Inaasahang hindi makakalaro ang 6-foot-11 power forward sa loob ng anim hanggang walong linggo.

Nagkaroon ng injury si Aldridge sa 98-94 panalo ng Portland sa Sacramento Kings.

vuukle comment

ALDRIDGE

AVERY BRADLEY

BOSTON CELTICS

CEL

DAMIAN LILLARD

EVAN TURNER

PORTLAND TRAIL BLAZERS

SACRAMENTO KINGS

THOMAS ROBINSON

WESLEY MATTHEWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with