Nets pinatahimik ang Chicago Bulls
CHICAGO – Sa likod ng season-high ni Brook Lopez at double-double ni Joe Johnson ay tinapos ng Brooklyn Nets ang seven-game winning streak ng Bulls.
Tumipa si Lopez ng 29 points, habang naglista si Johnson ng 20 points at 11 rebounds para pamunuan ang Nets sa 96-82 panalo laban sa Bulls.
Si Lopez, nagkaroon ng lower back strain, ang naging starting center ng Brooklyn kapalit ni Kevin Garnett.
Pinangunahan naman ni Mike Dunleavy ang Chicago (22-10) sa kanyang 23 points tampok ang 5-for-9 clip sa 3-point line.
Si Jimmy Butler, naglista ng average na 26.4 points sa kanilang winning streak, ay nalimitahan sa 8 points at si Derrick Rose ay may 4 markers.
Sa Atlanta, kumamada si Paul Millsap ng 26 points at dinala sa kanyang mga balikat ang Hawks sa fourth quarter para biguin ang Cleveland Cavaliers, 109-101.
Hindi naglaro si LeBron James para sa Cavaliers dahil sa sumasakit niyang kaliwang tuhod.
- Latest