^

PM Sports

Wala pa ring mantsa ang Hapee at Cagayan Valley

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dumaan man sa magkaibang ruta ay parehong napanatili ng Hapee Fresh Fighters at Cagayan Valley Rising Suns ang malinis na karta nang talunin ang mga nakalaban sa pagtatapos ng aksyon sa 2014 sa PBA D-League Aspirants’ Cup sa basketball gym sa Marikina Sports  Complex, Marikina City.

Kinailangan ng Fresh Fighters na magtrabaho nang husto sa unang tatlong yugto para katampukan ang 84-63 panalo sa MP Hotel Warriors at itaas ang nangungunang karta sa liga sa 8-0.

“I think MP played their best game so far,” wika ni Hapee coach Ronnie Magsanoc matapos pahirapan ang koponan.

Ipinagpag ni Bobby Ray  Parks Jr. ang pana-nakit ng likod para maghatid ng 18 puntos bukod sa anim na rebounds at anim sa kanyang kinamada ay sa ikatlong yugto na nakatulong para hawakan ang 59-49 bentahe.

“Hindi dapat siya maglalaro dahil halos hindi siya makalakad kahapon dahil tumama ang likod niya sa practice. Wala talaga akong masabi sa kanya dahil malaki ang kanyang sakripisyo sa team,” dagdag ni Magsanoc para kay Parks.

Nakahirit naman ng steal tungo sa tying basket sa regulation si Michael Mabulac habang kumana ng tres si Adrian Celada para tulungan ang Rising Suns sa 95-89 overtime panalo laban sa Racal Motors Alibaba at kunin ang ikapitong sunod na panalo.

Iniwan na ng Rising Suns ang Alibaba ng hanggang 21 puntos, 32-11, ngunit nag-relax sila para muntik pang nanalo ang katunggali.

May 34 puntos si Jeff Viernes at ang kanyang magkasunod na split ay nagbigay sa koponan ng 84-82 kalamangan pero naroroon si Mabulac na inagawan si Jamil Ga-bawan para maitabla ang iskor sa 84 at magkaroon ng extension.

Nagkaroon din ng magandang pagsalubong sa Kapaskuhan at bagong taon ang MJM Builders nang putulin nila ang 3-game losing streak sa 79-64 panalo laban sa Wangs Basketball sa unang laro. (AT)

vuukle comment

ADRIAN CELADA

BOBBY RAY

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

D-LEAGUE ASPIRANTS

FRESH FIGHTERS

HAPEE FRESH FIGHTERS

HOTEL WARRIORS

JAMIL GA

JEFF VIERNES

RISING SUNS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with