ASEAN University Games 2-gold mula sa UST taekwondo jins
MANILA, Philippines - Nakatikim ang Team UAAP-Philippines ng gold medal sa 17th ASEAN University Games nang maghari ang poomsae mixed pair nina Rodolfo Reyes at Jocel Ninobla kamakalawa sa Palembang, Indonesia.
Tinalo nina Reyes at Ninobla, parehong standouts ng University of Santo Tomas ang mga kalaban mula sa Thailand at Indonesia para pangunahan ang kanilang event.
Kumopo rin ang mga Filipino jins ng tatlong bronze medals mula kina Rico Mella ng La Salle sa male individual poomsae, Juvenile Crisostomo ng Far Eastern University sa women’s individual poomsae, at women’s team poomsae nina Leanarda Landrito at Crisostomo ng FEU kasama si Ninobla.
Sa mga naturang event, ang Thailand at Indonesians ang nakakuha ng gold at silver medals.
Ipinagkait naman ng Indonesia ang ikalawang sunod na panalo sa Team UAAP-Philippines sa wo-men’s volleyball matapos ang kanilang 28-26, 16-25, 19-25, 23-25 win.
Matapos manalo sa Malaysia, 25-21, 18-25, 15-25, 25-8 noong Lunes, bumagsak sa 1-1 record ang Phl volleybelles na kinatawan ng mga standouts mula sa champion team ng Ateneo.
Bukod sa women’s volleyball at taekwondo, ang 86-man Team UAAP-Philippines ay lalaban din sa swimming, athletics at table tennis.
- Latest