^

PM Sports

Presidential Gold Cup sa SLLP

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagkasundo ang mga malalaking personalidad sa horse racing na sa San Lazaro Leisure Park Carmona, Cavite isagawa ang 42nd Presidential Gold Cup.

Ang karerang inialay para sa Pangulo ng bansa ay suportado ng Philippine Charity Sweepstakes Office at ito ay gagawin sa Disyembre 21.

Naisara ang usapin sa venue ng prestihiyosong karera sa paglagda sa Me-morandum of Agreement ng PCSO, Philippine Ra-cing Commission  at host Manila Jockey Club, Inc. kamakailan.

Si PCSO General Manager at dating Philracom chairman Atty. Jose Ferdinand M. Rojas II ay naghayag na muling maglalabas ng P5 milyong pondo para sa magiging premyo ng mangungunang apat na kabayo bukod sa winning breeder.

Sa kabilang banda, ang Philracom, sa pamumuno ni chairman Angel Castano Jr. ay maglalabas ng P1 milyong pondo na ibibigay sa mananalong kabayo sa karerang pag-lalabanan sa mahabang 2,000-metro distansya.

Pinasalamatan naman ni MJCI President at COO Atty. Alfonso Reyno III  ang pagkakapili sa nasabing racing club para pagdausan ng karera.

Ito na ang ikapitong pagkakataon na ang SLLP ang pagdarausan ng PGC mula 2003 at ikalawang sunod matapos ang 2013 edisyon.

Ang Pugad Lawin ang nagdedepensang kampeon at magtatangka ang kabayong pag-aari ni Tony Tan na maging ikalimang kabayo pa lamang na naka-back-to-back.

 

vuukle comment

ALFONSO REYNO

ANG PUGAD LAWIN

ANGEL CASTANO JR.

GENERAL MANAGER

JOSE FERDINAND M

MANILA JOCKEY CLUB

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

PHILIPPINE RA

PHILRACOM

PRESIDENTIAL GOLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with