^

PM Sports

Soltones di napigilan ng JRU

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi napigilan ng Jose Rizal University ang pamamayagpag ni Gretchel Soltones nang banderahan niya ang San Sebastian sa 25-18, 20-25, 25-18, 25-23 panalo para makasalo sa liderato sa 90th NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Humataw si Soltones, beterano ng Shakey’s V-League, ng 32 hits para sa panalo ng Lady Stags kontra sa Lady Bombers.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng San Sebastian para makasosyo ang Arellano sa liderato.

Nagdagdag sina Nikka Dalisay at Jolina Labiano ng 15 at 11 points, ayon sa pagkakasunod, para ipalasap sa Jose Rizal ang pangatlong kabiguan nito sa limang laro.

Sa isa pang laro, inilista ng Mapua ang kanilang unang panalo nang gibain ang Letran, 25-22, 25-13, 22-25, 25-15.

Nagtala sina Jela Pena, Audrey Paran at Dianne Latayan ng 18, 17 at 11, ayon sa pagkakasunod, para sa Lady Cardinals, hangad mapaganda ang kanilang ninth place finish noong nakaraang season.

vuukle comment

AUDREY PARAN

DIANNE LATAYAN

GRETCHEL SOLTONES

JELA PENA

JOLINA LABIANO

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LADY BOMBERS

LADY CARDINALS

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with