^

PM Sports

Bakbakan nina Pacquiao at Algieri mapapanood sa GMA Channel 7

Pang-masa

MANILA, Philippines – Matutunghayan ang gagawing pagdedepensa ni Filipino boxing hero at eight-division world champion Manny Pacquiao laban kay Chris Algieri sa GMA Channel 7 mula sa Cotai Arena sa Macau.

Masasaksihan via satellite ang salpukang tinaguriang “Pacquiao vs. Algieri: Hungry for Glory” sa GMA Channel 7 mula alas-11 ng umaga.

Maaaring sundan ang live blow-by-blow account ng banggaan nina Pacquiao at Algieri sa Super Radyo DZBB 594, Barangay LS 97.1 at sa lahat ng RGMA stations sa bansa simula alas-10 ng umaga.

Sa kanyang huling laban sa Macau ay pinatunayan ni Pacquiao na siya pa rin ang pinakamahusay na bok­si­ngero ng kanyang henerasyon nang dominahin niya si Brandon ‘Bam Bam’ Rios noong Nobyembre ng 2013.

Matagumpay na nadepensahan ni Pacquiao ang kan­yang WBO welterweight belt sa kanilang muling pag­haharap ni Timothy Bradley, Jr. sa Las Vegas, Nevada noong Abril.

Muling mapapanood ang laban nina Pacquiao at Algieri sa Sunday Night Box Office (SNBO) sa GMA Channel 7 sa ganap na alas 10:40 ng gabi.

vuukle comment

ALGIERI

BAM BAM

CHRIS ALGIERI

COTAI ARENA

LAS VEGAS

MACAU

PACQUIAO

SUNDAY NIGHT BOX OFFICE

SUPER RADYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with